Directory

Encyclopedia

NodeWorks
                              ENCYCLOPEDIA

Link Checker

Home
Encyclopedia : P : PA : PAG :

Paglipas Ng Lipad

 

Paglipas Ng Lipad

Sa maagap na paglutas ng sulirarnin, makakamit ang layunin.

Gaya ng napag usapan, maagang nagtipun tipon ang mga ibon, Bilang pinuno, unang nagsalita si Kwago, “Marahil ay di lingid sa lahat ang suliraning ating kinakaharap. Napakadalang na ng ating punungkahoy na maaari nating pamugaran, kakaunti na rin ang mga bungangkahoyna pinagkukunan natin ng makakain kung di tayo maagap kikilos, mamamatay tayong lahat na dilat ang mga mata.” Mahaba niyang paliwanag. “Ang bawa’t isa ay nais kong hingan ng opinion at kuru-kuro hinggil ditto.” Malakas niyang sabi.

“Kung ako ang tatanungin, maubos man ang puno ditto sa gubat ay di ako magugutom!” mayabang na tugon ng maputing Tagak. “Hangga’t buhay si kalakian at masaya ang aming samahan ay wala akong dapat alalahanin.” Dugtong ng palalo. Tila bubuyag na umugong ang bulungan ng iba pang kasamang ibon, ang iba nama’y sintalim ng sundang ang titig kay Tagak.

“Aba, lalong malayo ako sa pagkagutom!” singit ni kasay-kasay sa mas malakas na tinig. “Hangga’t may nabubuhay na isda sa ilog, araw-araw akong may makakain.”
Sumidhi ang galit ng ilan. Kung di nakapagtitimpi ng damdami’y marami ang gusting sumalangsang sa dalawang palalong ibon. “Ang kailangan nati’y pagkakaisa! Sigaw ng pinuno. “Walang mangyayari kung di tayo magtutulung-tulong!”

Lumipad ng palayo ang dalawang hambog. Din a nila hinintay na matapos ang pulong na sa palagay nila’y walang kabuluhan. Namuhay si Tagak sa piling ng kaibigang kalabaw at si kasay-kasay nama’y sa tabi ng ilog.

Ang panaho’y matuling lumipas. Napakalaki ng ipinagbago ng gubat at ng mga ibong naninirahan ditto. Larawan ng saya at kasaganaan ang gubat. Sa tulong ng bawa’t isa’y nagawa nilang paunlarin ang lipunang kanilang ginagalawan. Nagtanim sila ng mga puno at matiyaga nilang itong malagaan.

Sa bukid, ang pagbabago’y di rin maitatatwa. Naglipana ang mga makabagong makinarya at makabago na rin ang paraan ng pagsasaka. Wala na si kalakian. At si Tagak, nasaan? Hayun siya, nangingitim na ang balahibo dahil sa maruming usok na ibinubugo ng mga makina. Payat na payat at dinadalahit ng ubo. Aba, hayun si kasaykasay! Nasa tabi ng maitim na tubig ng ilog at nag-aabang ng basurang inaanod. Nagbabakasakaling may matutuka siyang pagkain.


NodeWorks boosts web surfing!
Page Returned in 0.033 seconds - HTML Compressed 66.2%

This article is from Wikipedia. All text is available
under the terms of the GNU Free Documentation License.
 GNU Free Documentation License
© 2008 Chamas Enterprises Inc.